Huwebes, Agosto 23, 2012

"What God has joined together, let not man put asunder"



Si Nonoy at si Miling ay parehong uuga-uga ang ulo, tatango-tango. Bakit? Kasi, pareho na silang 80 plus na, malapit na silang mag-nobenta. Kinasal sila nuong 1949 kaya kung magmamate
matiko tayo, sila ay nagsasama na bilang mag-asawa ng 63 years. Nagkakilala sa isang unibersidad, nagmahalan, nagpakasal, nagpamilya, nagka-apo, nagka-apo sa tuhod, at patuloy pa rin silang nagsasama ng maayos. Bingi na si Nonoy: kailangan na me trompa ka kung kausap mo siya. Me kulaba na sa mata (katarata) si Miling at makakalimutin- umaabot siya ng SM na baligtad ang blusa. Pero hinahangaan sila kapag sila ay nagsisimba. Bakit uli? Kasi, holding hands pa sila. Nagmamahalan, oo, pero ang isa pang rason ay mahina na ang tuhod ni Miling at kailangan ng alalay, samantalang si Nonoy ay pasadsad maglakad.

Marami na ang nagtanong kung ano raw ba ang sekreto nila. Si Miling ay galit sa gulay, alam lang kainin ay baboy, samantalang dating chain-smoker si Nonoy. Muntik pang ma-dedo nuong 2008 dahil sa pneumonia pero himalang nakaraos. Pero alam din ng mga tao kung bakit. Kasi, talaga naman na masigasig sila sa kanilang pananampalataya. Kahit may sakit at nakaratay sa kama, makikita mong nag-rorosaryo si Miling. Si Nonoy naman ay daig pa ang misa kapag gagawin na niya ang kanyang morning prayers...abot 1 oras. Minsan, isang usyusero ang nakadinig ng kanilang usapan. “Noy, ba’t ba hindi pa tayo namamatay? Masamang damo ba tayo?” Nangiti si Nonoy at sinabi “Baka may ipagagawa pa sa atin. Meron pa tayong misyon.”

Sa ating buhay, marami tayong iniisip, na madalas, nakagugulo pa sa ating mga isipan. Pero si Nonoy at Miling, na dumaan sa Giyera Mundial Ikalawa (World War 2), na nag-a-away din naman, at dumanas ng di na natin malaman na mga pagsubok, ay nanatiling matatag dahil sa paniniwala nila sa Panginoong Hesus. Patuloy silang naging mapagbigay: hindi lamang sa usaping pera, kundi pati sa pakikisama, sa pagbibigay payo, sa pagtuturo sa kabuhayan, at taimtim na pananalig at pananampalataya. Alam nila na tumanda man sila at mamatay, ay hindi katapusan, kundi simula ng buhay na kapiling ang Diyos. Sa tagal ng buhay nila at pagsasama, hindi nila inalis sa kanilang pagitan ang Panginoon. Naniniwala sila na mamatay man ang bawat isa, muli silang magkikita at pareho silang nananabik sa pagkakataong yaon, dahil sabi nga ni Nonoy, “Hindi na ako bingi duon! At ikaw naman ay malinaw pa sa batis ang mga mata kapag naruon na tayo sa Paraiso..” Napakatamis pakinggan. Nawa ay maging ehemplo para sa atin ang mga taong kahit na dumanas ng katakot-takot na pagsubok, ay nanatiling matatag sa kanilang paniniwala sa Panginoon, naging tapat sa isa't-isa, at naging tapat sa kanilang sinumpaan sa harap ng Diyos.

MINUTE REFLECTION

MINUTE REFLECTION: Are routines necessary in our lives? Yes, for me, they are. They keep us grounded and routine builds security and makes us at ease with life's variables. It's like slipping your feet into an old pair of shoes, not needing to think or wonder whether it will fit well or not. The comfort of having something familiar! So never ignore those seemingly repetitious tasks that you do, they make lives a little better and they teach us the value of having something to look forward to when things go wrong as they sometimes will.